Ang bilis ng panahon...
Ang bilis ng panahon no? Ngayon, habang bakasyon ko pa, inaayos ko ang aking Career Portfolio kung saan sinusulat ko ang gusto kong maging career, mga kumpanya na pwede kong pasukan at mag-ojt, at mga naging accomplishments at achievements ko mula pa High School.
Habang ginagawa ko iyon, napapansin ko na ang bilis ng panahon. Parang kailan lang nung sa Pilipinas pa kami nakatira, malapit sa malls, kahit gabi umuwi sa bahay ay okay lang, independent, maganda at active ang performance sa school, masayang nakikipagkwentuhan sa barkada, nakikipagdate sa boyfriend at nag-oorganisa ng activities sa isang club... parang kailan lang...
Parang kailan lang ng umalis kami ng Pilipinas para manirahan at makipagsapalaran sa ibang bansa. Parang kailan lang nung kinailangan kong iwan ang buhay na kinagisnan at kinalakihan ko. Parang kailan lang nung wala ako magawa kundi ang malungkot, mangulila, mag-adjust, at yakapin ang bagong lugar na aking tinitirhan ngayon. Parang kailan lang ng maramdaman ko ang malaking kalungkutan ng pag-iisa, ng walang nagpaparamdam, ng walang nakaka-alala kahit man lang isa sa mga tinuring kong mga matatalik kong mga kaibigan sa Pilipinas. Parang kailan lang ng malaman ko sa sarili ko kung sino talaga ang mga masasabing mga kaibigan na tapat sa kanilang mga salita at ang mga kaibigan na talagang hindi ka iiwan sa ere.
Parang kailan lang ng nakatapos ako muli ang Highshool sa pangalawang pagkakataon at mabigyan ng regalo na isang bakasyon sa Pilipinas. Parang kailan lang ng nabisita ko muli ang bansa na matagal-tagal ko ng inaasam-asam na mabalikan. Parang kailan lang ng makita kong muli ang ilan sa mga kaibigan ko, kasama pati ang mga nagkukunwaring kaibigan ako. Parang kailan lang ng makapiling kong muli ang mga kamag-anak ko na nasa iba't ibang bansa na umuwi para magsama-sama kaming lahat sa pasko. Parang kailan lang ng mabigyan ako ng oportunidad na makapag-experience kung papaano ba ang magkaron ng debut.. at parang kailan lang ng muli kong nakasama ulit ang aking nobyo sa katagal-tagalan ng panahon na naghiwalay kami (pisikal man o emotional).
Parang kailan lang ng kinailangan kong muling iwan ang Pilipinas at bumalik sa ibang bansa. Parang kailan lang ng mabigyan ako ng isang scholarship ng isang unibersidad na hindi ko natanggap. Parang kailan lang ng mabigyan ako ng isang placement sa isa sa pinaka-magandang unibersidad sa bansang ito. Parang kailan lang ng ma-experience ko ang university life sa unang pagkakataon at matuwa't ma-ignorante na ako'y isa ng tertiary student.
Parang kailan lang ng matanggap ako bilang isang store person sa isang donut shop dito at mabigyan ng trabaho sa unang pagkakataon. Parang kailan lang ng pagdaaanan ko ang mahirap na proseso ng pag-ttraining, pagbabalanse ng trabaho at eskwela at ang pagpapahalaga sa mga kinikitang pera. Parang kailan lang ng matapos ang halos 4 na buwan ng pagttrabaho at pag-aaral ng ako'y umalis sa trabaho upang makapag-focus sa pag-aaral ko.
Parang kailan lang ng matapos ang matagal na pag-aaral at pag-pprepara sa aking practical ay nakakuha rin ako ng aking lisensya. Parang kailan lang ng ako'y nahihirapan pa sa pag-papark at pag-mamane-obre ng sasakyan patalikod... na ngayon ay kayang kaya ko na kahit nakapikit pa ang mga mata ko..
Parang kailan lang... ang bilis ng panahon.. Pebrero na.. pasukan na ulit.. ano kaya ang mga bagay-bagay na pupuwede kong harapin? Isa lang ang bagay na alam kong certain... ano man ang maibibigay sa akin ng taon na ito, masaya man o malungkot, isa ito sa mga dapat kong pagdaanan upang maging isang mahusay, preparado at matapang na indibidual sa komunidad.
Parang kailan lang ng malaman ko kung sino-sino talaga ang mga taong may kwenta sa buhay ko at may kwenta ako sa buhay nila. Kung isa ka sa mga iyon, Maraming maraming salamat sa iyo. Isa ka sa mga taong nagkaron ng malaking impluwensya sa akin ngayon. Papahalagahan ko lalo kung ano ang pinagsamahan natin at mga bagay na pagsasamahan pa natin.
-------------------------------------------
HANDOG By: Florante |
|
Parang kailan lang Ang mga pangarap ko'y kay hirap abutin Dahil sa inyo Napunta ako sa aking nais marating Nais ko kayong pasalamatan Kahit man lamang isang awitin Parang kailan lang Halos ako ay magpalimos sa lansangan Dahil sa inyo Ang aking tiyan at ang bulsa'y nagkalaman Kaya't itong awiting aking inaawit Nais ko'y kayo ang handugan Chorus: Tatanda at lilipas din ako Ngunit mayrong awiting Iiwanan sa inyong alaala Dahil minsan, tayo'y nagkasama Parang kailan lang Ang mga awitin ko ay ayaw pakinggan Dahil sa inyo Narinig ang isip ko at naintindihan Dahil dito'y ibig ko kayong ituring Na matalik kong kaibigan |