entries links
credits links tagboard
archives me & etc
links
jueves, diciembre 21, 2006

I am not that good on essay writing (though as much as possible, I try to make a readable and understandable essay), so please bear with me on this one. Hehe..

FILIPINO MUNA

Matagal na akong nakatira dito sa Melbourne, mga tatlong taon na siguro. Habang tumatagal ang pagtira ko dito mula ng lisanin ng pamilya namin ang Pilipinas, lalo kong napapansin ang mga bagay bagay na sobrang simple pero hindi napapansin ng mga Pinoy.

Unang una sa lahat ay ang isyu patungkol sa pagsasagawa ng bagong konsititusyon sa bansa. Alam ko na isa ito sa pinakamalaking hakbang ng Pilipinas patungo sa kaunlaran. Pero hindi ba't nakakalungkot isipin na ang mga hinalal na mga tao na mamuno ay gahaman sa kapangyarihan. Kung kaya't mas tinutuunan pa nila ng pansin ang Con-Ass or Con-Con (kung sakaling maging Constitutional Convention) kesa sa mga mamamayan natin sa bikol na nasalanta ng bagyo? Mahirap ba na isantabi na muna ang pag-amyenda ng konstitusyon at i-pokus ang atensyon sa mga bagay na 'kailangan' ng bawa't Pilipino at hindi 'gusto' ng bawa't namumuno.

Kung magsisimula ang tao sa pagbibigay ng mga pangunahing pangangailangan ng bawa't tao tulad ng libreng serbisyo sa kalusugan, pagbibigay trabaho/negosyo, pagbababa ng presyo ng mga bilihin, at pagpapa-update ng sistema ng edukasyon lalo na sa mga pampublikong paaralan sa mga probinsya, masmagiging matibay ang pundasyon ng bansa dahil karamihan ng mga Pinoy ay mga mahihirap, o yung mga sinasabi nila na kumikita lamang ng average na $2/day. Kapag ang pundasyon ay matibay, maaari ng palawakin ang mga serbisyo na makakapagbigay benepisyo hindi na sa bawa't isang mamamayan ngunit sa mga mamamayan na ito na binigkis-bigkis na bumubuo sa isang bansa. Mga maaayos na daanan at imprastraktura, urbanisasyon na hindi nakaka-apekto sa kalinisan ng kalikasan, disiplina sa bawa't mamamayan, disiplina at epektibong batas trapiko. Sa maliliit at pakonti-konting paraan, marami ang nakikinabang. Pantay ang distribution ng piso sa bawa't Pilipino at hindi ang trickle-down effect.

Madaming mga stereotype na nakakapagpababa sa bawa't Pinoy na nakakalungkot ding isipin na gawa-gawa rin ng kanyang kapwa. Ang mga mahihirap ay sinasabing mga binabayaran para mag-rally, mga tamad, mga tambay, walang trabaho, hindi nakatapos, umaasa palagi sa gobyerno.. sa mga middle-class, mga self-proclaim sila na sila nalang daw ang natitirang mga 'noble' sa Pilipinas, nagbabayad ng tax, bumoboto ng maayos, may trabaho, nakatapos, pero kulang... kung kaya't naghahanap ng oportunidad umunlad sa ibang bansa.. Napakalungkot na andami ng mga Pilipino ang umaalis taon-taon upang makipagsapalaran sa ibang bansa para dun makuha ang maginhawang buhay. Madami ang nawawalan na ng pag-asa sa Pilipinas. Mga mayayaman naman, mga kurakot, mga abusado, arogante, mukhang pera, plastik.. mga dapat na ginagalang na mga pulis.. nangongotong at nababayaran.. ang mga sundalo, nagrerebelde.. ang mga pulitiko.. kurakot, mandaraya at gahaman sa kapangyarihan. Nasan na ang ipinaglaban ng bawa't isa sa inyo noong Edsa 1987 at Edsa Dos? Tanggalin ang dungis ng pulitika at linisin ang pangalan ng bawa't Pilipino.

Isa rin sa mga napansin ko ay ang iba sa mga mayayaman sa Pilipinas ay ang siya ring mga hindi sumusuporta sa produktong Pilipino. Hindi ba't napakaplastik nila sa tuwing sinasabi na 'para sa bayan ito' 'mahal ko ang pilipinas/pilipino'.. tapos kung i-fe-feature sa telebisyon ang kanilang mga ari-arian... galing pa ng pransya, britanya, italia, amerika at kung saan-saan pa ang kanilang mga muebles. maganda sana kung hindi lang sa salita kundi kita rin sa gawa at nasasalamin din sa iyong lifestyle ang pagmamahal sa bayan. Naghihingalo na ang produktong Pilipino, wala ng iba kundi ang mga Pilipino din ang kayang sumagip dito.

Napa-isip ako... sa ginhawa ng buhay ko dito sa Melbourne, ako kaya ay magiging isa sa mga taong nabulag ng kaginhawaan kung kaya't dito na ako sa Melbourne titira... o magbabalik kaya ako sa magulo at mapulitikang buhay sa Pilipinas? Hindi naman ako bulag at bingi sa mga nababalitaan kong mga pangyayari sa Pilipinas... Hindi rin ako hypocrite para sabihin na kaya kong i-sugal at iwan ang buhay ko dito para makipagsapalaran sa Pilipinas. Isa kaya akong sigurista o isa lamang duwag? Kabilang pa kaya ako sa mga grupo ng mga tao na gusto ng pagbabago sa Pilipinas o isa nalamang ako sa mga manonood na naghihintay kung ano na ang susunod na kabanata?

posted by Ternski @ 1:03 a. m.