entries links
credits links tagboard
archives me & etc
links
domingo, mayo 14, 2006

look at these... nabasa ko sa isang blog ng isang person na hindi ko kaano-ano.. it just happens na i was searching for the lyrics of Beer by Itchyworms para ma-ipost ko dito sa blog ko... nakaka-touch naman.. he & his girlfriend 6 years na and long distance sila... whoah.. no? haay... eto..

side ni guy:
Anim na taon!
Ngayon ang aming ika-anim na taon na anibersaryo ng natatanging Diosa.

Akalain ko ba namang may tatagal sa akin nang anim na taon? Huwaw...

Kami nga pala ay isang example ng long-distance relationship. Sa anim na taon na iyan, tatlong taon ang hindi kami magkasama. Technically nga, dalawang October 19 lang ang na-celebrate rito sa Pinas kasi yung unang anniv, kami ay nasa eroplano galing U.S. (wehehehe, yabang!!!)

Kaya yung mga tinginingining na maaarte diyan na "hindi raw kaya" dahil "mahirap" ang long distance, mga ugok kayo. Ang aarte niyo!!!

Hehehe. Kahit sa ganitong klaseng post, agit pa rin ako. :)

Hay naku, lalabs Ria. Salamat salamat salamat!!! Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita!!!

(OK yung picture ano? Ganyan ang lalabs ko e. Kahit naliligaw na sa parang, nakangiti pa rin basta may camera)
---------------------
side ni gurl:
Long-distance
Anim na taon na kami ng boyfriend ko. Tatlong beses naming sinelebreyt iyon ng magkahiwalay. Sa mga kaibigan namin, sa mga naging estudyante ko, sa mga naging estudyante niya, isa kaming "modelo". Parang overrated, sa totoo lang.

Hindi madali ang long-distance relationship. Kahit may tawag, may email, may chat, iba pa rin siyempre yung nakikita mo yung tao. Yung alam mong nandyan lang siya malapit, physically. Isang tawag mo lang, magkikita na kayo sa SM o sa UP in two hours. Yung pwede kayong manood ng tv habang magkausap sa telepono. Yung itetext mo na magrereply agad (kahit walang load). Yung manonood ng sine at magpapakabusog na parang wala ng bukas. Yung magbibilyar kasama ang iba pang kaibigan at aabutin ng dis-oras ng gabi dahil sa mga may kwenta at walang kwentang bagay.

Sa totoo lang, mahirap ang malayo. Lalo na sa ganitong edad. Hindi dahil sa feeling ko matanda na ako. Dahil sa paligid ko, may kinakasal at may nagbubuntis at nanganganak na mga kaibigan. Ang palaging tanong, kelan kami? Hindi din naman ako napi-pressure. Pero siyempre, nag-iisip na rin ako. Nung wala pa akong boyfriend (si paeng pala ang first bf ko), may mga taning ako sa sarili ko, tulad ng: dapat magka-bf ako bago mag-20 (nangyari ito); by age of 24 dapat may wedding ring na ako; by 30 dapat may dalawa na akong anak; at by 40 apat na lahat ng chikitings ko.

Ngayon, 25 na ako, in four months madadagdagan na naman ng isang taon. Nandito ako sa Japan. Para magkaroon ng academic growth. Si paeng, nasa pinas (na malamang lumabas din for academic growth) tinuturo lahat ng pwede niyang ituro sa loob at labas ng klasrum. May kanya-kanya kaming career, may kanya-kanyang gustong gawin. Ayaw naman naming parehong mag-impose sa bawat isa.

Kaya naman malamang, hahaba pa itong long-distance situation namin.

Parang ang lungkot ba? Dapat nagsasaya kasi umabot na kami ng anim na taon.

Sa totoo lang, masaya naman ako.
===================================

wahehehe.. nakakatawa... anyways.. yung purpose ko.. to post the lyrics of Beer

Beer
Itchyworms

Nais kong magpakalasing
Dahil wala ka na
Nakatingin sa salamin
At nag-iisa
Nakatanim pa rin
Ang gumamelang
Binalik mo sa`kin nang tayo`y maghiwalay
Ito`y katulad
Ng damdamin ko:
Kahit buhusan mo ng beer ayaw pang mamatay

Pre-chrous *

Giliw, wag mo sanang limutin
Ang mga araw na hindi sana maglaho
Mga anak at bahay nating pinaplano
Lahat ng ito`y nawala
Nung iniwan mo ako kaya ngayon

Chorus **

Ibuhos na ang beer
Sa aking lalamunan
Upang malunod na ang
Puso kong nahihirapan
Bawat patak anong sarap
Ano ba talagang mas gusto ko,
Ang beer na ito
O ang pag-ibig mo?

Nais kong magpakasabog
Dahil olats ako
Kahit ano hihithitin
Kahit tambutso
Kukuha ako ng
Beer at ipapakulo
Sa kaldero't lalanghapin
Ang usok nito
Lahat ay aking gagawin
Upang hindi ko na isiping
Nag-iisa na ako

Repeat **
Instrumental
Repeat *
Repeat **

posted by Ternski @ 12:22 p. m.