sábado, abril 08, 2006
ok.. i'm putting this back... sobrang i'm bored kaya i've decided to put my blog back.
i have my curling set na! ^_^ wala lang.. pero so far.. tatlo lang dun sa sampu yung alam kong gamitin... the curling iron (yung for curly locks), yung crimpler pati na rin yung straightener... (parang mali yung spelling nung isa ah...)
ayun.. i'm currently taking a break from studying bio.. may mid-semester test kasi ako on thursday this week.. bukas, i won't be able to study kasi kasal na ng pinsan ko..
speaking of his wedding ayun.. dumating na dito yung mga kamag-anak ni ate eully. i didn't get a chance to interact with them.. kasi nag-drive ako kasama si kuya mayo. masaya mag-driving.. ano siya.. parang a way of releasing tension.. atleast for me. pero not in a way na nag-ooverspeeding ako.. kasi while driving na-se-set aside yung mga problema at kung ano-ano pang mga iniisip para maka-focus sa road at makapag-drive ng maayos. so far, naka 42 or 43 hours na ako... sana naman payagan na ako nila mama na kunin ang P Plate ko.. ayoko na ng L Plate..
anyway.. ayun.. kahapon was night market sa school.. nag-stay ako dun hanggang 6: 30 pm.. mga 8 pm na ako naka-uwi.. grabe, it was fun.. get to interact with my friends pa rin.. nagkanda-gulo gulo na sa stall namin.. pero maayos naman, marami na ring mga bumibili. tapos may nag-perform din dun na mga pinay.. yung kinanta nila yung Langit na Naman ni Barbie's Cradle at yung Tibok Ng Puso - MYMP. grabe.. ang ganda ng version nila... ang cute nile ^_^
after nun, nung pauwi na ako kasama ko si Christine, nagpicture picture ako ng iba't ibang mga locations sa school, although blurred silang lahat hahaha.. kasi nagmamadali na ako tapos gabi pa. pero if you want to see some pics, nilagay ko sa multiply site ko. Under Melbourne University.
may bago kaming lecturer sa bio.. wala lang.. nakatulog ako sa una niyang mga pinagsasabi pero later on, nabuhayan din ako. natuwa ako sa mga kinukwento niya.. he's lectures are all about animal behaviour.. buti nalang fed up na kasi ako sa cells at plants. tapos nung thursday, nag-discuss kami sa anthropology about sex and gender roles.. sobrang interesting yung discussion.. kulang talaga ang one hour sa anthroplogy... speaking of that.. hindi pa nga ako nakakagawa ng oral presentation ko para duon at essay para dun.. sana by next week makapag-start na ako after ng test ko sa bio.. pati nga bio may essay pa akong gagawin.
next week.. wala akong pasok ng friday pati na rin yung buong week na kasunod nun.. pero hindi naman ako magbabakasyon.. kasi andami nilang pinapagawang mga essays.. pati opportunity ko na rin makapag-review kasi malapit na rin ang exam.. ayoko naman yung nag-ru-rush at nag-ccram.. at lalo ng hindi ko gusto yung nagpupuyat kapag exam.. dahil wala ng papasok sa utak ko nun.
ngayon, dapat may party akong pupuntahan ng 12 - 3 pm sa city.. may party ang barangay australia.. maga members ng filo students assoc. ng iba't ibang universities... inaaya nila ako pero sinabi ko na hindi ako ppwede.. mag-aaral ako tapos sa sunday naman kasal ng pinsan ko.. hehe.. buti nalang naintindihan nila. kasi ewan ko ba.. napaka-KJ ko siguro... pero kasi, una ang layo ng venue.. eh di ang layo pa ng uuwian ko db.. pangalawa, sayang lang pera ko.. nag-iipon pa naman ako kasi nga gusto ko naman makapag-beach pagbalik ko sa pilipinas (ayoko kasi nung humihingi ng pera sa parents ko. aside from that, kapag alam nila na may pera na ako, hindi nila ako pipigilan mag-beach hehe). at pangatlo.. andami ko pang aaralin kaya.. kaya nga madalas kong iniisip na sana malapit lang bahay namin sa school para naman makasama din ako.. pero okay lang yun.. tiis tiis lang muna.
HAay.. i'm currently listening to some songs.. yung iba revival nalang.. pero gusto ko pa rin:
Binibini - Brownman Revival
Ikaw Lang Ang Aking Mahal - Brownman Revival
Langit Na Naman - Barbie's cradle
Toll Gate - Hale
Heaven Knows - Orange & Lemons