entries links
credits links tagboard
archives me & etc
links
domingo, febrero 26, 2006

kanina nagulat ako kasi tinawagan ako ni tats... ayun.. nagkamustahan kami.. tapos nagkabalitaan at kung ano ano pa... nag-share din siya sa akin ng tungkol sa lovelife niya.

buti naman may masasabihan siya kesa naman sa sarilinin niya eh di naloka na siya db? Ayun.. nag-promise kasi ako sa kanya na tatawagan ko siya kaso hindi ko natuloy kasi nga wala pa akong call card. bukas talagang bibili ako ng call card pati na rin prepaid kasi pasukan na sa monday (start na ng teaching week). buti may mga off-peak sa kanila at buti nalang mura ang tawag from new zealand kapag tatawag ka sa australia... kaya ayun...

kanina.. mga 6 pm siguro.. umalis kami papunta sa Narre Warren (bahay ng mga kamag-anak namin sa mother side). ako ang pinag-drive mula sa bahay papunta doon. buti nalang naabutan namin si kuya mayo kasi magppractice kami ng driving. Nag-drive ako simula 7 pm hanggang 9 pm.. umulan pa nga eh.. ang dulas ng daanan, pero maingat naman ako sa pag-ddrive. sabi nila mama mga one week pa daw saka ako magpapa-appointment para makakuha ng probationary licence.. goodbye learner's!

tapos pagka-uwi namin sa narre warren.. nag-videoke kami tapos naki-nood na rin ng tfc... para maki-chismis... hehe.. ayun.. bigla naman na out of nowhere umakyat si mama na parang may kausap.. ako naman napatayo kasi akala ko sasabihin niya sa akin na uuwi na kami. si ivan pala yung nasa linya kausap mama ko.. ayun, nag-usap kami ni ivan sandali then naputol na rin yung tawag niya.

natutuwa ako.. actually.. kinikilig kasi he calls me na.. hehe.. hindi tulad noon na talagang ako lahat ang gumagawa ng paraan tapos siya he just sits there.

ayun... nagkwento siya.. sabi rin niya hindi siya makakapag-net ngayon.. nakakalungkot naman.. sana bukas he will kasi miss ko na siya eh. lalo na ngayon at pareho na kaming may skype! hehehe =D

posted by Ternski @ 12:47 a. m.