entries links
credits links tagboard
archives me & etc
links
sábado, febrero 18, 2006

I had a long and tiring day today...

I slept at 6 in the morning, grabe no? Hindi kasi ako makatulog. Then nag-alarm na yung phone ko ng 9 am.. nag-exted ako for 20 minutes then after that i pushed myself up... kahit sobrang antok na ako.. diretcho ako sa banyo.. naligo tapos nagbihis.. then nakisabay ako kanila mama to drop me off kanila kuya mayo.

Pagdating doon, si ate marie ayaw sumama... pinilit ko.. ayun.. bumangon din at sumama. Sumama nga rin bigla si kuya jojo eh. Oh db.. outing naming magpipinsan.. siyempre ako yung pinakabata ^_^ hihihi... bali.. ako, si ate marie, si ate heidi, kuya mayo at kuya jojo.. buti nalang hindi kami mag-ttrain at dadalhin ang car ni kuya jojo. Kaya hindi ako kinabahan na baka ma-late ako.

Pagdating sa city, nag-park kami sa Crown dahil alam namin na mahirap maghanap ng parking sa city at mahal din ang parking fee. Paglabas namin sa hotel nilakad namin mula doon hanggang sa Flinders Street.. May appointment ako ng 1 pm sa Telestra Dome malapit sa Spencer Street. Nag-train kami from flinders street papunta sa spencer street station (now known as Southern Cross.. kaya pala kami naligaw -_-) actually, bago pa kami makadating sa flinders street... naligaw na kami.. but it gave me an info na me an info na meron doong classes for pilates, kick boxing and arnis.. nice db?

Ayun.. nasa southern cross station na kami... then sabi nila may aakyatan kaming escalator tapos lalakarin nalang from there papuntang telestra dome. I saw the resto kung saan ako nag-apply.. katapat lang niya ang telestra dome at ginagawa pa yung resto... so that would mean madami silang hinahanap na workers. Pagdating ko doon may nag-iinterview na pero hindi ko naman sigurado kung sila nga yun.. kasi sa kabilang side.. andaming applicants na naka-helera... nagtanong ako sa una kong nakita.. yun na pala yun. Ayun... binigay ko yung cover letter ko at resume' tapos i told him a brief background about myself... na uni student ako, member ng isang non-profit org, etc... ayun.. tinanong niya kung kailan ako available tapos kung nasaan yung contact numbers ko at ang email ko. hindi man lang niya tinignan yung resume' ko mismo at yung cover letter lang ang pinag-susulat niya. Ang bilis... mukhang hindi ako matatanggap.. haay...

anyway.. after nun, nagutom na sila.. sumakay kami ng tram papunta ng Crown at doon kami kumain sa isang chinese bar. after nun, nag-decide sila mag-casino.. oh ha! pwede na kaya akong pumasok hehehe.. 18 na ako!!! kada pasok ko.. tanong sila ng tanong ng id ko.. bwiset.. hindi na nga ako nagpapahalata eh.. mukha ba akong hindi 18? anyway.. hindi naman ako gambler eh.. sinubukan ko yung pokies pero dahil sa igorante ako.. natalo ako.. (hindi ko naman pera) tapos na-bore kami ni ate heidi.. nakaupo lang kami nanonood ng big screen at nagkkwentuhan. 5 pm saka sila nag-isip na umalis na sa casino.. iba talaga mga sugarol. Halos isang oras rin kami doon ah.. pagkatapos nun, tumaya pa sila sa lotto.. hahaha..

Si ate marie.. ayaw pa niyang umuwi kaya naman nang-aya siya manood ng sine. Napagisipan nila na sa narre warren nalang manood kasi masmalapit pa sa bahay.. then nag-suggest sila na sa dandenong nalang dahil mas-mura. Pagdating sa dandenong... 9 pm pa yung susunod na pelikula.. sobrang late na yun.. pagkatapos nun.. lumipat nalang kami sa dandenong... 9 pm din.. ayaw pa nilang umuwi.. tinanong nila kung anong magandang gawin.. sabi ko.. may bowling malapit sa amin.. ayun nag-bowling nalang kami..

Ang total score ko sa game one ay 103 tapos sa game two ay 108... bali 211 ang total score ko.. ewan ko na lang sa iba.. sa una, third place ako, sa pangalawa naman.. second place. Naka-ilang spare at strike din ako in fairness.. akala ko puro gutter na dahil matagal na rin akong hindi nakakapaglaro ng bowling. May gutter ball din ako.. more than 4 ata eh.. meron pa nga yung dalawa kong tira puro gutter ball.. buti nalang naka-habol ako kasi kasunod ng spare ko sunod-sunod na strike. ayos!

Pagkatapos nun.. hinatid na nila ako pauwi. Bukas.. magpa-practice akong mag-drive kasama si kuya mayo.. may 20 hours and 30 minutes na ako... bali.. 99 hours and 30 minutes pa ang kailangan ko.. kelan kaya ako ready mag-take ng probationary licence test?

posted by Ternski @ 11:03 p. m.