entries links
credits links tagboard
archives me & etc
links
domingo, enero 08, 2006

Ngayong araw na ito.. lalabas nanaman ako today for a new adventure! Bwahahaha!!!

Anyway, eto.. dapat kaninang umaga pupunta ako sa Stella para bumisita sa aking minamahal na iskul. Kaso... ako'y tinamad at nag-decide na matulog na lang...

Umalis sila Nanay at Daddy kasama si Tito Aps para pumunta ng Embassy at umuwi na ng probinya. Mga tita ko naman nagsipasok sa kanilang work.. eto ako.. nag-mamanicure at maya maya ay aalis na rin.

Mga 6 or 7 ata ng umaga nagising din ako... nagtext kay ivan para mag-meet kami ngayong araw na ito.. siyempre miss ko na siya eh.. ahehe..

Paglabas ko ng bahay napag-isip-isip ko na lakarin na lang mula sa bahay papuntang cubao. Pagtawid ko mula Ali Mall papuntang Rustans... nasira ang poise ng lola mo... natanggal ang nasa-ilalim ng takongsa kaliwang sandal ko.. buti naman at hindi obvious at walang tao... kunwari nalang na walan problema habang naglalakad... medyo inisip ko na bumalik ng ali mall at ipa-ayos ito a Mr. Quickie.. pero.. wag na lang... bibili nalang ako ng panibago... pamalit sa isa kong sandal na naiwan ko sa probinsya...

So... eto naglakad ako mula Rustans papuntang Value Station... doon, bumili na ako ng bagong sandal na puti.. ok naman iya infairness at nakuha ko lang siya ng P150.. na ang original price eh P200... tapos napag-desisyonan ko na ngayon na ako bibili ng bag.. ayun bumili ako ng bags... yung isa.. para kay mama tapos yung dalawa naman, naaliw lang ako at para sa akin iyon. Hehe... Naka-abot ako ng P1,050 na ang original price dapat ay P1,150...

Ayun, lakad nanaman ako mula sa Value Station papunta sa Farmers... kasi magpapapalit ako ng pera dahil wala na akong cash!!!!! mula doon, naglakad nanaman ako papuntang mrt station at bababa ako sa Ortigas Station. Pagbaba ko doon, lakad nanaman ang loka mula doon papunta sa UA&P dahil maglu-lunch kami ni Ivan. Buti na lang at pagdating ko doon ay papalabas na rin siya ng school.

Nag-lunch kami sa food court ng Shangri-La at doon kami nag-bonding... napag-isip-isip ko na umuwi na lang kasi madami na rin akong nabili at walang tatao sa bahay... siya naman, gusto na ring umuwi dahil may sakit ang mama niya.

After naming mag-lunch naglakad kami from there pabalik ng UA&P para kunin ni Ivan ang gamit niya at para makigamit na rin ako ng toilet (hehe). Nakita ko nanaman ang iba sa berks niya which is nice actually, wala nga kaming bonding kaya kakaunti lang sa kanila ang kilala ko (by name & face). At most especially... nakita ko siya.... si 'YOU-HURTED-ME'... sino siya? si 'THE-GIRL-WHO-NEEDS-TO-STUDY-ENGLISH.' Hinatid niya ako sa bahay thru taxi then tumambay muna sa bahay habang ako ay sumusubok mag-connect sa internet..

Ni-leche-leche na ako nung nalaman ko na mali yung internet card na nabili ko (at akala ko pa naman ay nakatipid na ako dun)...kaya heto sabay kaming lumabas ni ivan.. siya papunta ng sakayan ng jeep para umuwi, at ako naman, para mag-internet..

Eto ako ngayon sa netopia...inu-update ang sarili ko a internet world.. sa wakas, na-confirm na rin ang scholarship ko sa Monash. Eto naman at andaming pinapabili nila mama at mayamaya lang ay mag-log out na ako at manonood ng sine kasama si Tita Glo at Kuya Mike.

Ayun.. then after kong mag-internet sa labas... bumili ako ng bag ng laptop for only P250.. oh di ba bargain na iyon? Maganda naman siya, infairness.. Tapos nun, nanood kami nila Tita Glo at Kuya Mike ng Blue Moon.. ganda ng movie.. napaluha ako.. pero siyempre.. wala pa ring tatalo sa The Notebook =)


January 8, 2006

Bilis ng Panahon no? Kahapon nasa probinsya lang kami.. umaga akong ginising kasi bibiyahe nga kami ngayon pabalik ng Cubao... ang aga nila Uncle Ham.. kami naman magdamag na nakatambay sa sofa.. inaantay ang pag-alis namin.

Dumating ang 3 pm, saka kami umalis ng Pangasinan.. ready to go na ako.. tapos, dadaan pa pala kami ng Tarlac para pumunta sa isang sayawan dahil may kasalan na magaganap. Ayun.. pagdating namin sa Tarlac (dahil wala si Ate Rosiel)..napagkamalan na ako ang asawa ni kuya (huwag naman po!!!!!!) so ayun... pagdating naman ng 11pm.. saka kami umalis ng Tarlac papuntang maynila.. 2 ng madaling araw kami nakarating at diretcho bagsak kami ni Kuya sa kama!!!!!

Mga 5 AM ginising kaming lahat para magpunta ng airport (d na nga ako nag-ayos eh)... ang tagal namin doon kasi inaantay pa ang dating nila Ate Rosiel bitbit si Cian.. pagdating niya diretcho akyat ng Departure area at umalis na rin sila... then dumaan pa kami ng Espanya para ihatid si Ate Budjo sa tinutuluyan niya bago naman ako nakarating sa bahay.

Dahil may usapan dapat na magkikita kami kahapon eh, na-udlot kasi nga ang tagal ko sa probinsya.. Nilipat namin this day.. so eto.. pagdating ko sa bahay, nag-ayos na ako at by 10:45 am ay umalis na ako para kitain si Ivan sa Makati.

Sinundo niya ako sa MRT station ng Ayala tapos kasama namin the whole day ang family niya. Actually, maganda nga eh.. (naks, feeling naman ako na i'm one of them). Pagka-meet namin sa Mama ni Ivan,we went straight sa chapel sa Greenbelt to hear mass... afterwards, pumunta kami sa Glorietta where I saw his dad.. then nanood kami ng movie, Narnia, with Ivan & his mother. After that, nasa labas na ng movie house ang kuya at tatay ni Ivan at kumain kami sa Fridays. Na-umay ako sa burger na in-order ko.. ang laki pala... -_- then ayun... dumaan kami sa office ng dad ni Ivan sa may shaw blvd... habang inutusan kami napick-up yung pants ng dad niya sa shangri-la... then hinatid nila ako sa house....

Haha.. one special day with the del Rosario family.. I'm glad to meet all of them. ^_^ pag-uwi ko.. tulog ka-agad ako kasi wala akong tulog eh hehehe..

January 6, 2006

Kahapon was Daddy's Birthday!!! Actually, noong Jan.4, nagbiyahe kami pa-uwi ng Cubao dahil sa 5 na ang uwi nila mama sa Australia... bilis ng panahon! Noong Jan.4 pala ay kinuha ko yung photo prints sa venue para masilayan naming lahat ang mga pictures noong debut.

Pagkadating galing airport noong jan.5, umalis sila Uncle Ham papuntang Cavite para may bisitahin... sila Auntie Bhangie naman ay pumunta rin ng Cavite para naman ihatid si Ate Rosiel. Habang ako naman ay umalis, para puntahan si Ivan at i-abot ko yung souveneir ko noong debut sa kanya. Pagkatapos noon.. bumili ako sa tiangge sa St. Francis Square Mall (???) then naghiwalay na rin kami ni Ivan. Pag-uwi ko naman, diretcho kami ni Tito Aps sa venue para naman mag-order ng prints at i-finalize lahat.

Pagbalik ko sa bahay, diretcho biyahe naman kami papunta ng Pangasinan (napilitan nga lang akong umuwi eh. Infairness, enjoy naman ang biyahe kasi we (Me & Kuya) were making fun of people sleeping!! Hehe... pagdating sa pangasinan... ayun.. kinurakot ni kuya ang pera ko para lang maka-kain sila ng chowking!!!! badtrip..

The next day, pumunta kami ni Kuya ng Manaoag para magsimba.. after naman noon ay balak sana naming magpunta sa puntod ni auntie Maura pero hindi natuloy dahil tumawag si mama dahil na-offeran pala ako ng scholarship sa monash.. kelangan ko iyon i-confirm. Kaya nagpunta kami sa internet shop para mag-confirm. Then... ayun.. umuwi na rin.

January 3, 2005

Haay.. eto na... eto na ang mga latest happenings sa mga buhay buhay namin... New Year na!!! Noong December 30.. after my debut... ayun, hinatid namin sila Istin at Rose sa bahay nila. Pagkadating ko sa bahay... may lakad pala kami for the day... And we're going to Batangas. Actually, ok lang sa akin.. kesa naman na maiwan ako sa bahay db? So ayun.. Habang nasa likod ng Adventure, madalas naming nilalaro si Cian at eto namang si Kuya walang katapusan ang pag-cocomment tungkol kay Ivan -_-. Hayun.. pagkadating namin sa Batangas, ilang oras din akong natulog sa may sofa.. tapos nag-dinner. Then, binisita namin ang bahay ni Ninong Mario. Let me rephrase it... binisita namin ang mansion ni Ninong Mario (hehe). Ayun.. naaliw kaya kami sa mga alaga niyang mga aso.. grabe.. ang lalaki!!!! Ayun.. kumain kami doon ng dessert tapos umalis narin kami. Mga 5 or 6 pm na siguro kami doon umalis. After noon, may dinaanan kami sa Batangas na house ng aming mga newly-found relatives sa Australia na nagbabakasyon din sa Pinas. After a while... nag-decide sila na pumunta na ng Cavite. Actually... pagod na kami eh.. pero ayun.. pinuntahan namin ang bahay ng magiging in-laws ng aking pinsan. Infairness, very hospitable naman sila.. kaso hindi namin masyadong na-appreciate dahil super late na... Finally... by 1 am, naka-uwi na rin kami.

The very next day, I wasn't feeling well... ang sakit ng ulo ko at feeling ko ay masusuka na ako. Hindi ako BUNTIS! Haha!! Dahil iyon sa sunod-sunod na biyahe na nangyare kahapon... eh ayun.. pumunta nanaman kami ng Pangasinan to spend New Years there. Pagkadating namin sa Pangasinan, kasama ko si Ate Rosiel para bumili ng birthday cake ni Cian. At dahil yun ay ang araw before New Year, daming tao sa mall.. nagpunta kami ng Cindy's at doon kami nag-order ng birthday cake niya (na kukunin namin the next day). Then, doon din kami nagkitakita nila Kuya... at grabe.. nakaka-intimidate silang kasama.. ang dami nila.. -_- pero ayos lang. Ganun naman sila eh.. Ayun.. Pagkatapos nun, naka-isip sila ng gimik... bumili kami ng pang-itaas na mga polka-dots para isuot para sa NEw Year.. tawa nga kami ng tawa habang bumibili...pagka-uwi sa bahay... nag-reready na ang lahat for New Year!

New Year came... masaya.. nung mga 11 pm, nag-decide na kami na magpalit ng damit (yung polkadots) at sasayawin namin ang Pinoy Ako.. pero.. napahiya lang kami.. walang pumansin sa amin.. nagsiuwian na ang mga tao at.. hindi pa gumana yung ipod.. anyway.. ayun.. after ng new year mismo, may bonding nanaman kaming magpipinsan.. pero ako naman.. maaga na akong natulog, meaning sa aming magpipinsan, ako yung pinaka-maagang natulog this time.. super KJ ko sa kanilang lahat.. kasi nga masama pakiramdam ko... habang sila.. nagkkwentuhan, videoke at todo papak sa fishball, squidball at kikiam (na namimiss ko na ngayon -_-). When daylight came (naks, english!) ayan.. medyo ok na ng kaonti ang pakiramdam ko. Nagpunta kami ni Ate Rosiel sa Magic Mall para balikan ang cake... at hep! matutuwa ka ba naman kung sabihin nila na wala yung cake?!? ayun.. upto the last minute.. naghahanap kami ng cake! Buti nalang at mayroon sa Red Ribbon.. ayos lang iyon! Chocolate cake pa db? Noong nightfall naman.. hayan.. nang-aya sila sa sayawan. Sadly, hindi naman kami pina-upo ng mga ka-member ng association ng Camantiles. At oo... gumana nanaman ang pagka-KJ ko.. umuwi rin ako ng maaga this time kasi nga i'm not feeling well (HINDI AKO BUNTIS!).. Ngapala... Monthsary namin ni Ivan.. =) 49 months na kami = 4 years and 1 month. Saya no?

The next day, January 2, ayun.. same situation ulit.. may pinuntahan kaming sayawan.. this time, naka-tricycle lang kami.. hindi na namin sinama yung tatlo (and hindi ata sila papayagan) kaya ayun.. sumandali lang kami doon. Nanood lang ng ms. Gay at umuwi na.

Noong January 3 naman... nag-outing ang buong tribo!!! Nag-swimming kami sa Goldland Resort... maganda.. madami pools.. kaso ang nakaka-inis lang.. sa isang pool.. may mga engot na mga KSP (kulangot sa pader) na ewan! basta! mabbwisit ka na lang talaga! eto pa.. sa isang pool naman.. may isang pasimpleng nag-rerecord sa video cam niya.. mga engot ano? Pero ok lang.. buti nalang at maaga silang umalis! Ahh ngapala.. after ilang years.. sa araw na ito ako ulit nakakain ng shawarma ^_^ Hehe..

December 29, 2005

Ang aking debut!!!! Bwahahaha!!! Medyo malungkot nga eh.. kasi upto the last minute ang daming mga tao ang hindi nakarating.. grabe ano? Sayang naman...

Anyway, masaya pa rin siya kasi andun lahat ng mga importanteng tao sa buhay ko... super engrande nga kung titignan kaso kulang lang talaga sa pagiging organized.. sabagay... wala kasi kaming practice (pano naman kami magppractice eh, halos lahat naman ng mga kamag-anak ko eh pabalik-balik ng probinsya...)

Siguro mga 11 pa ata ng umaga ay naandun na kami sa venue.. inaayos na nila lahat.. ang ganda nga ng motiff ko eh.. Rainbow colors.. natuwa ako sa set-up.. lalo na yung gazebo kung saan ako uupo. Inayusan din ako ni Remy.. siya rin yung gay na nag-ayos sa mama ko nung kasal niya.. grabe no? HAha... feeling niya tumatanda na daw siya.. pagbalik ko daw sa kanya kasal ko naman daw! Hehe.. ayun.. inayusan din niya ang mga relatives ko pati na rin si Rio. Pagdating ng mga 5 pm, pictorial ko na.. hindi nga ako comfortable ng mga solo eh.. lalo na kapag sa acting sa video.. mukha akong >_< weirdo... at natatawa na lang ako sa mga pa-smile smile effect.. >_<

Anong nangyare? Pagkalabas ko ng room.. andun na si ivan.. siyempre.. kumpleto na araw ko diba? HAhaha... ayun.. nagpa-ayos din siya.. aba! dapat lang no! Gwapo naman niya that night.. (kasi inayusan hehe..) So ayun.. madaming na-late.. kasi madami ang naligaw.. hehe..

After the whole program.. mukhang walang ginanahan mag-dance.. kaya ayun.. nagsi-akyatan ang iba sa mga tao at nagbihis na para mag-swimming!!!! Ang bilis kaya.. after nun.. ayun.. nagsiuwian ang iba sa mga tao.. pero anyway.. naka-bonding ko that night sila Rose, Istin, Bryan at Marlou.. malufet.. hehe..

December 28, 2005

Ngayon ko inaayos ang mga dapat kong i-finalize para sa debut ko... bumili ako ng Rose Petals, si mama naman bumili ng sapatos niya, nagpa-manicure at pedicure din ako sa F Salon (doon na rin ako nagpa-relax ng buhok), bumili ako ng alahas na gagamitin ko that night, binilhan din namin si mama ng alahas na gagamitin niya pati na rin ang pin na ilalagay niya... hmmm.. ano pa ba? ahh.. nag-finalize din kami ng mga taong pupunta at ng seating arrangement.

Noong december 27, 2005... ano na nga ba ang nangyare noong araw na ito? Ang alam ko.. nag-date kami ni Ivan.. actually, para ngang double date ang nangyare.. kasama kasi namin ang pinsan ni Ivan (Kuya Richard, tama?) at ang girlfriend niya. Hindi namin nakasama si Dimple kasi wala siya sa work place niya.. ayun.. from El Pueblo.. nilakad namin papuntang Gale para manood kami ng movie na 'Ako Legal Wife' in fairness, may mga scenes naman doon na magaganda at nakakatuwa. After nun, naghiwalay na din kami (meaning.. with Ivan's cousin and his gf) at nagbiyahe na kami papunta sa Cubao... doon nagtingin-tingin ako ng Rose petals and ayun.. namili (na wala naman akong nabili...) si ivan.. may nabili! Hehe.. After nun, nanood naman kami ng Mulawin.. pero hindi na namin natapos kasi pinapa-uwi na ako sa bahay since andun na Family ko sa Cubao (just arrived from Pangasinan)

Nagbiyahe naman kami papuntang Maynila noong December 26.. kasama ko sa Car sila Uncle Islao (driver, ofcourse), si Hari (Personal Assistant ng lahat), si Ate Rosiel, Kuya Chris at siyempre.. si Cian. Ayun.. kapagod ang biyahe.. nauna na ako kanila mama kasi aasikasuhin ko pa nga ang ilang details para sa debut ko.. sana maging maganda ang outcome ng debut no?

December 25, 2005

Christmas!!!! Noong 24, nagkaron kami ng usual na celebration ng christmas sa bahay... ang weird nga eh.. kasi kokonti lang ang dumating... at ang aga natapos.. hmmm... anyway.. nung christmas day mismo, we went to Tarlac.. para bisitahin ang family side nila Auntie Helen... ayos lang.. masaya naman sila.. minsan lang naman kasi sila magkakaroon ng reunion eh.. After that, bumalik na rin kami sa Pangasinan.. at kinagabihan.. ayun! Nagpunta ulit kami sa sayawan.

Noong 23 kami dumating sa Pangasinan and that night, may sayawan kaming pinuntahan.. pagkatapos namin magpunta ng sayawan umuwi kami at nag-practice ng pinoy ako hehe.. by 3 am.. napag-isipan naming dumaan sa simbahan at mag-simbang gabi.. guess what? lahat kami tulog sa simbahan... at dahil nakakahiya naman sa mga taong nagsisimba.. umuwi na rin kami. 10 tao kami sa iisang tricycle.. grabe no?

December 22, 2005

This day umalis sila Uncle Ham papunta ng Tarlac... Buong araw ko kasama family ko (i think.. based on my memory). Actually, hindi ko na nga ma-alala yung mga happenings nung araw na ito... haha... hindi na reliable ang memory ko ah...

Pero one thing is certain, by 8 pm, we went to the Venue, sa Villa Ronar para mag-free taste and to finalize the needed arrangements para sa debut. =)

December 21, 2005

Hindi ko masyadong nagustuhan ang nangyari this day... Eh kasi ganito yun...

Simula ng nagising ako ay nagpunta na kami sa Cubao para mag-shopping... ayun.. ,nakaka-inip.. magdamag kami sa SM Cubao tapos lumipat ng Gateway...

This day sabi nila Auntie na gusto nilang makilala si Ivan.. so ayun, nagtext ako sa kanya and he told me na pupunta naman daw siya. Pagkadating niya, ayun.. bonding sila with Bry... Wala ring masyadong 'interview' na nangyari kasi dumating na rin yung dad niya.

Bakit hindi ko nagustuhan yung nangyare this day? Dahil sa isang kabastusan na nakakahiyang sabihin at ipakita sa isang bisita. >_<

December 20, 2005

This day, dumating sila Uncle Ham.. wala lang!
Normal lang na pagbati at pag-welcome... and naisip ko na lumabas at mag-distribute ng invitation. Ayun.. nabigyan ko rin si Istin, nagpahatid ako kay Tito Abner sa bahay nila... at dumiretcho ako kanila Ivan para bisitahin siya sa house nila.

Pagdating ko sa house mga 6 pm na ata nun, ayun.. punta kami nila Tita Glo, Aaron at Bryan sa Ali Mall para i-meet si Kuya Micheal at nanood kami ng King Kong...

Comment ko sa King Kong: Nice movie, very long... but ang bilis ng ending.. hindi ko masyadong na-appreciate pero generally, the movie is good.

Pagka-uwi namin, kakadating lang din pala nila Mama kasama sila Uncle Ham galing sila ng MAkati at nag-shopping sila.

December 19, 2005

Dumating si Ivan sa house na hindi pa ako prepared.. kakahiya.. naghintay siya for a while para maghanda ako (maligo, mag-ayos, magdamit, etc..) at ayun.. lumarga na kami.. actually.. wala naman kaming pinuntahan.. nag-ikot lang kami sa Cubao.. kumain sa Jollibee at ano pa ba? yun lang eh... uhmm.. nakabili na rin pala siya sa wakas ng Kid's Toy.. si Cyclops ng X-Men -_-

December 18, 2005

Nagpunta kami nila Tita Ria, Tita Flor, Tita Irene at Joan sa Makati para kunin yung gown na nabili ko at para bilhan si Joan ng dress na isusuot niya sa debut. Actually, d pala niya trip ang dress.. hehe.. basta pang-girl na damit. Then afterwards, kumain kami sa North Park.

December 17, 2005

Ngayon lumabas kami ni Ivan... siyempre date namin.
Actually, nakalimutan ko na yung nangyare noong araw na ito... kasi naman matagal tagal na rin akong hindi nakapag-update ng blog ko.. hehe.. madalang nalang ako mag-net lately kasi nasa Pilipinas pa ako. Walang masyadong boredom.

Ang alam ko lang... noong dumating si Ivan, hindi pa ako nakakapaghanda pero nakaligo naman na ako... wait lang... ah! naalala ko na!!!

Eto yung araw na nagpunta kami ni Ivan sa Greenhills!! Ganito yun.. tinuruan kami ni Tito Abner kung papaano mag-commute papunta doon via jeep... Hehe.. sakay lang ng papuntang Camp Aguinaldo and then sasabihin ng driver kung saan bababa tapos maglalakad nalang sa gilid-gilid para makarating sa greenhills..

Noong naka-sakay na kami sa Jeep ni Ivan... siyempre kabado kami pareho kasi baka mamaya mali ang dadaanan ng Jeep.. pero continue pa rin kami.. hanggang sa sinabi ng driver na baba na kami at kakanan papuntang greenhills... tapos nilakad-lakad namin ni Ivan... to be honest, naligaw kami.. buti nalang at may mga tindahan para pagtanungan namin ng directions. Fortunately, nakarating naman kami.

Pagkadating namin sa Greenhills, pumunta muna kami sa Jollibee para kumain ng lunch. Naaliw nga si Ivan sa happy meal ng Jollibee.

posted by Ternski @ 7:49 p. m.