entries links
credits links tagboard
archives me & etc
links
sábado, diciembre 17, 2005

Kanina bigla namang tumawag si mama para baguhin yung date.. nakakainis naman kasi para lang sa iisang tao na pa-VIP babaguhin na yung date.. babaguhin ko pa yung nakasulat sa mga pina-print ko na mga invitation.. napaka-paimportante ano? nakakainis!

Eto pa, tumawag si magaling na si Mr. del Rosario... nangamusta ganun.. kwento kwento tapos binaba na rin namin yung phone.. maya maya andito na rin yun.. hindi pa ako naghahanda.. bahala siya na pagkadating niya dito hindi pa ako nakapag-ayos.. maghintay siya...


December 16, 2005

Umalis sila mama ngayon papunta ng probinsya. Pero bago yun, tinulungan nila akong mag-lista ng mga ibang mga tao na iimbitahin para sa debut ko. Ipinakita ko na rin yung ilalagay ko sa invitation at nag-agree naman sila.

Mga 3pm na pumunta ako ng alimall para bumili ng parchment at gumawa na ng invitation card. Ang nakapagtagal lang sa akin ay nahirapan silang iatapat yung front page sa backpage na may location map nung venue.

Mula 4 pm hanggang 10 pm naandun ako sa shop nila... nagkwentuhan na kami ng mga worker doon... at kung ano-ano pa... grabe.. hindi naman ako nainip, kasi talagang gusto ko ng makita yung invitation card at matapos na.

Mga 10:30 siguro dumating ang tita at nagkita kami sa may McDo kung saan kami kumain ng Dinner tapos iniwan ko na lang yung mga ibang printing doon sa shop nila. Dadaanan ko nalang iyon kinabukasan.

Nainis ako ng kaonti kasi.. grabe.. sabi ni Ivan tatawag daw siya.. hindi naman.. sabi naman niya magtetext hindi rin.. buong araw siyang hindi nagparamdam sa akin.. eto ngayon, nagmukha nanaman siyang sinungaling sa akin.. nawawala nanaman ang tiwala ko sa kanya.. eto bwisit nanaman ako sa kanya.


December 15, 2005

Pumunta kami ng Marikina para tignan yung swimming pool... nagustuhan namin siya pero ako ayaw ko kasi hindi siya pang-swimming.. masmore on.. pang-venue talaga siya. Bigla namang nagbago ang isip nila kaya ginawa ng Formal ang debut ko.. sa December 30, friday.

Tapos bigla ng plano ang ginawa.. konti lang naman ang kailangan kong i-arrange kasi halos lahat sagot na nila. After nun dumaan kami ng Gazebo Royale sa may Visayas Ave. para lang i-check yung place at talagang maganda siya kaso nga lang mahal.. yung 50 thou eh venue palang at hindi pa kasama ang pagkain at iba pang mga extra.. kaya hindi na lang.. doon nalang ako sa Marikina.

Pumunta kami ng Makati para magshopping... nakabili na ako ng gown na pang-abay ko na rin. Pero makukuha ko pa siya ng Linggo. Tapos ayun.. shopping kami.. nakabili ako ng lalagyan ng ipod pati na rin ng camera tapos bumili ng paper na gagamitin na invitation at ng ribbon.

Tapos kumain kami sa may Gerry's Grill na favorite naming lahat kainan dahil sa masarap nilang sisig. Hehe..


December 14, 2005

Eto na yung dentist appointment ko.. akala ko kaya 3 yung papastahan sa akin yun pala eh 4. Tapos magkikita nga kami ni Ivan sa araw na iyon at ipagpapaalam niya ako kaya pinapunta ko na siya sa clinic. Pagkadating niya dumating din ang Papa, natakot ata siya.

Umalis kami, nag-lunch sa BK sa may Shangri-La tapos iniwan niya ako for 2 hours kasi sabi niya may pasok pa nga daw siya. Kaya ayun nagpunta ako ng Megamall (hinatid niya ako actually) nag-internet para i-check yung courses ko at nakipagchat sandali. Pagkatapos nun nagpunta ako sa may department store para iwan dun yung bag kong mabigat na punong puno ng mga brochure. Inis na inis ako sa mga tao sa harapan ko kasi ang tagal tagal nila tapos ang daldal daldal pa.. akala ko naman mga balikbayan din sila kasi nga mga funky ang dating tapos kakaiba ang hair (meaning dyed ang hair nila hehe). Bigla namang nagsalita yung katabi ko at kinusap yung iba sa kanila.. ayun.. dun ko naman nalaman na mga contestant pala yun sa Starstruck.. aba malay ko ba.. hindi ko naman yun pinapanood at gabi na rin kasi ako nakakarating sa bahay.

Tapos umalis ako at magshshopping ako ng sapatos.. Sa kalagitnaan ng daanan sa loob ng mall may kumuha ng attention ko, isa siyang bading na nagtanong kung may credit card na daw ba ako.. sabi ko naman eh wala tapos panay na ang bola sa akin na kesyo ang ganda ko daw.. natuwa nalang ako sa kanya.

Mga 4 pm na at padating na si ivan, bumalik ako ng department store para mamili na ng sapatos.. kasi sa tagal ko, hindi pa ako nakakabili. Pero nakabili rin ng dalawang pares ng sapatos.

Naglakad kami mula Megamall hanggang ShangriLa para panoorin ang King Kong. Hindi ko rin siya natapos kasi 6-9 siya... eh baka mamaya hindi nanaman ako maihahatid ng magaling na lalaking yan kaya umalis na kami ng mga 7:30... aabangan ko na lang iyan ulit.. sa sunday siguro panonoorin ko ulit.

Pagkauwi ko.. kinuwento ko kay mama yung mga nangyare tapos bigla naman niyang sinabi na, bakit naman hindi ninyo tinapos yung movie? hehe...


December 13, 2005

Ito ang araw ng dating ni Mama... pero sa gabi pa siya dadating eh..

Nung may araw, naisipan naming magpunta ng Greenhills para makapaglibot. Tapos nun, bumili si Kelvin ng mga P3 thou plus worth na adidas na rubber shoes. Dapat yung nike nalang pero siguro namahalan.. mga 4 thou na rin kasi iyon pero maganda talaga at newly arrived pa.

Nagtext sa akin si Tito Aps tapos sabi niya na andun na auntie ko sa bahay kaya umuwi na kami. Ayun nakita ko ulit ang pinsan ko.. tapos nakita ko for the first time yung girlfriend niya pati na rin yung inaanak ko (na anak nila) na si Cian. Natuwa ako kasi ang cute cute, ang bibo bibo.

Lumarga kami nila Kuya kasama yung girlfriend niya pati na rin si Bryan. Nanood kami ng sine yung "Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros" na sobra namang napaka-boring siguro kasi nga independent film siya pero ok lang naman..

Pagkatapos naman nun, nag-kanya kanya kami ng shopping.. nakabili naman kaming lahat tapos bumili kami ng pasalubong na Mr. Donut sa kanila then nag-jeep na kami pauwi.

Sa araw na ito alam ko na yung naging result ng exam ko at hindi ako natuwa kasi ang baba... kahapon ko nakita yung grade ko at panay ang tanong ni papa pero hindi nalang ako nagsalita kasi baka ma-disappoint lang siya. Nung dumating si mama sa bahay sobrang ang saya saya niya kasi nakapasa ako at mataas ang grade ko. Relieved naman ako kasi nga masaya siya.


December 12, 2005

Dapat sa araw na ito magpupunta ako ng dentista pero hindi ko na tinuloy dahil si papa umuwi ng province at the same time hindi siya nag-iwan ng pambayad kaya inurong ko ng wednesday yung appointment ko.

Tapos ayun.. feeling ko buong araw lang akong nasa bahay.. tapos biglang tumawag si Joby sa akin.. sabi na kita daw kami kasama niya si Kristinae. buti nalang bihis na ako db? Sabi ko na instead na puntahan nila ako sa bahay, kitain nalang ako sa farmers.

Sa sobrang pagka-excited ko nakalimutan ko ng tanungin kung nasaan banda ba sila at ang mga iba pang mga detalye. Diretcho akong umalis papuntang farmers.. tawag ako ng tawag kay istin naka-off ang phone pero text pa rin ako ng text.. hanggang sa nawalan na ako ng gana at pauwi na ako. Buti nalang naisipan kong tumawag kanila Joby at hingin ang cell number na dala niya. Ayun.. nagka-kontakan din.. buti nalang!

Naghihintay sila sa may Jollibee sa may labas ng Gateway katabi ng National Bookstore na building. Ayun.. may libre akong Jollibee spag galing kay Joby hehe... tapos nun, wala na kaming magawa... naisipan naming manood ng sine (yun naman ang solusyon sa mga taong bored eh). Nanood kami ng "In Her Shoes" ni Toni Collette at Cameron Diaz. Nakakatawa siya... grabe..

After nun, nasa Cubao din ang kapatid ko, nanghingi ako ng pera tapos kumain kami sa may Taco Bell, bigla namang nag-contact si ivan na dadaan daw siya sa bahay para i-abot yung pera. Pero hindi na niya maaabutan sila Joby kasi sa bahay na daw dederetcho si Ivan.

Pagkauwi ko, buti nalang hindi pa siya dumadaan... bigla siyang nagtext na nasa labas na daw siya ng bahay at buksan ko yung gate. Ayun.. andun siya.. binigay niya yung pera at the same time pati na rin yung Peace offering niya na white rose. natuwa naman ako at kinilig.. pinatawad ko na rin. >_<


December 11, 2005

Fresh pa ako sa inis ko kay Ivan kaya ayun.. ano bang ginawa ko nung araw na ito? Hmm... lumabas kami ng mga tita ko kasama yung mga kapatid ko at ang pinsan ko. Nagpunta kami sa Makati.

Nag-mrt kami from Cubao pababa ng station na kadugtong lang ng SM. Naglibot kami, nag-picture picture sa may Greenbelt tapos namili.

Nakabili ako ng Sandal na worth P475.. grabe mahal.. sa cinderella, cute naman siya eh, hanggang ngayon hindi ko pa alam kung saan ko siya gagamitin.

Nung pauwi na kami, nagtext ako kay Ivan na kailangan ko ng P500 pang-shopping. Pagkauwi ko tumawag siya tapos ayun, nag-drama pero no effect sa akin dahil sobra naman talagang nakakagalit yung ginawa niya.


December 10, 2005

Ito ang araw na na-badtrip talaga ako ng todo-todo..

Magkikita kami ni Ivan. Ang date namin sa bahay lang nila (oops, wag kang mag-iisip ng masama kasi andun ang mama niya! hehe.. may bantay kami).

Maaga akong umalis ng bahay para naman madami kaming oras kasi naman ang layo layo pa ng biyahe, db? Bumili muna ako ng cake para sa mama ni Ivan, siyempre nakakahiya naman na magpunta ng wala man lang pasalubong.

Dumating ako sa kanila ng mga 11 am na ata or 12 noon.. nanood kami ng dvd yung fantastic 4, school of rock pati na rin yung the river (ba yun? dko na sure basta suspence thriller). Hindi ko na pinansin yung oras kasi ang sabi naman ni Ivan eh ihahatid niya ako pauwi sa bahay. Actually dapat ipagpapaalam pa ako at isasama sa party ata sa school nila.

Mga 4 pm na hindi pa siya naghahanda... ako naman cool lang siyempre. Mga 5, sabi niya maghahanda na daw siya kaya pansamantala, nag-internet ako sa kanila. Tapos pagkatapos niyang mag-ayos, saka lang niya sasabihin sa akin na hindi na niya ako maihahatid pauwi dahil late na siya tapos eto pa hindi rin niya ako maisasama. Yung hindi ako maisasamang part ok lang pero yung hindi ihahatid pauwi? ano yun? joke time? Napakamaalaga kasi siyang boyfriend eh, natutuwa ako sa kanya... napakalaki niya talagang lier.

Ang nakakainis pa, bale nasa may tricycle na kami palabas para sumakay ng jeep bigla namang sorry ng sorry tapos itatanong pa kung galit ba ako? oh diba lalong nakakainis? alam naman niya, obvious na nga eh, anjan na yung facial expressions pati yung cold treatment. Tapos ayun, naihatid naman niya ako.. hanggang sa sakayan lang ng jeep papuntang cubao.... buwisit!

Buti nalang naabutan ko pa yung the big night! hehe.. nanalo si Nene!!! Yehey! favorite ko siya eh!


December 9, 2005

First time ever na buong araw hindi ako umalis at nag-stay home lang sa bahay buong araw.


December 8, 2005

Gumimik kami ng circle!!! Actually hindi kami kumpleto lahat.. madaming kulang madami din ang hindi makakasama for certain reasons.. Si Tatz daw magpapa-check up, si Nel naman biglang sasamahan niya yung mama niya na magpacheck-up tapos si Istin naman may pasok. Ang kasama ko kanina sila Rio, Rose at Alexz.

Ang meeting time namin was 11 am sa may main entrance ng gateway. Andun na ako sa gateway actually mga 15 minutes late ako pero ako pa pala yung nauna. Hehe.. pampalipas oras siyempre nakaupo ako sa starbucks sa may araneta, eh pangit naman na umupo dun ng wala man lang na-order kaya nag-order na rin ako. Yung in-order ko naman yung palagi kong ino-order sa starbucks eh, Choco-Frap.

Balik ako sa upuan ko sa may labas... antay lang ng antay tapos text ng text kung nasaan na yung mga kasama ko. Tapos may biglang lumapit sa akin naka-orange, aba! ABA! ABA!! si RHEJ!!!! hehe.. of all people db? wala lang, natuwa ako nung nakita ko siya.. kwentuhan sandali, kamustahan tapos pinakilala rin niya ako sa mga kasama niya tapos kikitain pala niya sila Bambz pero hindi na namin sila naantay. Dumating na rin kasi sila Alexz, Rose at Rio... at ahem... naka-pink silang tatlo.. parang may pinag-usapan no? Ako lang yung naka-blue -_-

Anyway, ayun bali nag-taxi kami papunta ng UA&P para maiabot ko kay Ivan yung supot ng SM kung saan ko nilagay yung binili ko sa kanyang lengua from Baguio. (nakalimutan din niyang dalhin after -_-) nakakainis kasi naka-ilang missed calls ako saka lang niya sinagot grabe kung kailan naman patapos na ang lunch time niya. After nun, hinatid niya kami papalabas tapos diretcho kami nila Alexz ng Megamall.

Sa megamall, nagpapalit ako ng pera tapos nag-lunch kami sa Tokyo tokyo. Bigla namang nag-text si ivan at ang sabi niya susunod daw siya kasi wala daw siyang class at ayun, biglang sumulpot. Dahil wala kaming pnalano for the whole day, na-bore na sila Rio at Alexz kaya nauna na sila. Ako, Si Ivan at si Rose nalang ang natira, mga 4 naman daw alis na si Ivan dahil may pasok pa siya.

Bale pampalipas oras, nilibot kami ni Ivan sa St. Francis Mall then sa may Podium (actually dinaanan lang namin yung St. Francis Mall). After naman noon bumalik kami ng Megamall dahil napag-desisyonan namin ni Rose na manonood na lang kami ng sine dahil ayaw pa namin umuwi.

Sa sinehan, napili namin yung "Just Like Heaven" ni Reese Witherspoon. Out f nowhere bigla nalang naisip ni Ivan na mag-cut tapos samahan kami ni Rose manood ng sine. Maganda siya, funny and pasado na siya. Unique in a way.

Pagkatapos ng sine, dumaan muna kami ng UA&P para kunin yung mga gamit ni Ivan tapos diretcho kami ng Cubao kung saan naman eh kumain kami sa Pizza Hut bistro para mag-dinner. Nakulangan pa nga ako ng pera eh kaya nagpapalit pa ako, dapat iniwan nalang namin si Rose doon.. hehe.. joke lang!

Then after noon, umuwi na ako.. pagod.. at gabi nanaman ako nakauwi -_-

posted by Ternski @ 1:33 p. m.




miércoles, diciembre 07, 2005

Today.. nagpunta kami ng dentist.. They cleaned my teeth and kelangan ng pasta yung 3 kong ngipin.. buti nalang 3 lang.. yung si bryan.. 13 si kelvin naman 6!!! grabe.. after nun nagpa-appointment ako ng monday or was that teusday.. basta.. yun.. last check-up sa dentist..

after nun.. diretcho kumain kami ng lunch hahaha... grabe.. nasira na kaagad yung pinalinis kong ngipin.. hehe

then diretcho ako ng stella.. pina-iwan ko nalang yung chocolates para sa mga piano teachers ko.. kasi wala sila.. tapos nakita ko yung dati kong teacher.. nakipag-kamustahan sandali.. wala ring tao sa school kasi exams.. kaya balik nalang ako next week.

December 6, 2005

Bumalik kami ng Cubao... actually, kung maaga lang kaming bumiyahe lumabas pa kami ni ivan,.. but since mukhang wala siyang time at ayaw niya akong makita -_- sa sabado nalang..

Pumunta kami ng gateway to eat at pizza hut bistro sumama si tita Glo to celebrate her birthday!

December 5, 2005

We stayed sa pangasinan then pumunta kami ng baguio to visit yung house nila Auntie Sally at Uncle David.. nice house! I love the dog!!!

Birthday pala ni tita that day!

December 4, 2005

We went sa pangsinan... pinagbigyan ko sila nanay at daddy

December 3, 2005

Dumating sila Nanay at Daddy from Pangasinan that morning. Si nanay pa nga ang
gumising sa akin. Then, I was planning to pick up yung mga pictures na pina-develop
ko sa labas...

Ivan called tapos sabi niya kita daw kami.. I said yes ofcourse.. nagkita na kami.. sa kamamadali ko.. I forgot the claim stub..

Tapos pag-uwi nagmamadali ulit ako para makasama sa airport.. buti nalang we were on time pagkadating ng mga kapatid ko and ng dad ko.

December 2, 2005

I went with my tito and titas at their assembly for Saksi ni Jehovah. Although I am a Catholic, I can not stay at home since they will not allow me to stay by myself. It was very hot that day... we went to a mall there where I bought a plain white polo worth P399 at bench. >_>

After the event we went to Cubao ofcourse.. then we ate outside in Tokyo Tokyo.. hmm.. finally, i was able to taste tempura!!!!

posted by Ternski @ 6:02 p. m.




jueves, diciembre 01, 2005

Happy 4th Anniversary to US!!!!!

Wow, we've been together for four years... I love this day so much!

We were planning to have dinner to celebrate our anniversary today.
So after his last class (actually, his second to the last class since
he cut his last class for me ^_^) he was suppose to go in our house to
pick me up.

---Change of plans----

Hehe.. like the saying "Don't expect too much because what you expect
will always be the opposite." Our plan was to eat dinner in the
Mandarin Oriental Restaurant in Gateway Mall here in Cubao then go home.

What happened?

Instead of him picking me up around 3, he called me at 3:30 to say that
he is outside his school and is on his way in our house. By that time, I
was busy looking for something to wear for this very special occasion.

Then I waited and I had this estimate that from his school, he will be at
our house around 4:00 pm. 4 came and he's still not here and i was getting
worried.

I went online to send an email to my mom overseas =) She told me
to arrange & plan the things needed for my debut. I thought that i will
never be able to celebrate my debut because they were going to use that
money to buy me a 4WD Honda CR-V. But then, she just said that i must plan
my debut as early as possible.

5:00 came and finally, he has arrived. Oh my... oh my.. he was late again
just like yesterday, but I forgave him. Why not? It's our anniv =) Then he
told me that he was running late because he dropped by this place and bought
me a gift. awwww...

We said our goodbyes to my tito & tita then, walked our way around the
corner of the street to take a ride to Gateway. However, we changed our minds
because I have been to Gateway & he was planning to take me to places that I
have never been to (or places that were renovated or places that i miss the most).
We took a cab then went to Eastwood City in Libis. While we were in the taxi, he
leaned over then laid down on my lap to take a rest. I had this theory that he
run from where he was to our house.

He toured me around the area, basically to maximize the time because it was still
early to eat dinner. There was an event there and i told him "aww.. sweet mo naman,
you did this for me? aww...nag-effort ka ah!" hehe.. then he added "ofcourse, para
sa iyo talaga iyan." hehe XD

Finally, around 6:00 pm, we went to Dencios (because i was craving for sisig & it
will take a long time for us to walk back & eat at Gerry's Grill outside) to eat
dinner. It took us 5 minutes to finalize our order then about half an hour for our
order arrive. We were mocking around inside the resto, making fun of the people
outside, the waiters, the aircon, his fingers (hehe) and the view. We saw fireworks
and the song being played inside the place were acoustic & ballads... perfect for
couples, especially for us, celebrating our anniversary.

We took photos, ate our dinner then had a break, had conversations, hold hands, hugged
and kiss every now and then (like we used to). After 7 pm, finally, we finished eating.
Well actually, we never finished our food so we had it packed, then paid our bill.

After that we took a stroll around Eastwood then asked him if we could go upstairs at
the tower and see the view from above. We went there and it wasn't that high, the view
was great, we were the only people there but there were vandalism everywhere (a turn off).
We took photos (not of ourselves unfortunately but the view) then kissed every now
and then, a perfect ending for our anniversary.

By 8:30 we took a cab then he dropped me off at our house & to pick up his things. He
was actually rushing which made him forget my card for him =( when he left, i finally
had a chance to see his gift. It was a scrap book which we will fill up with our
photos and it also contained a card.

This day is perfect. Our anniversary was simple but memorable.

... I love you so much Ivan =)
Happy 4th Anniversary to us!

posted by Ternski @ 10:20 p. m.