entries links
credits links tagboard
archives me & etc
links
viernes, noviembre 18, 2005

Makita Kang Muli
Music and Lyrics by: Jimmy Antiporda
Sung by: Sugarfree

Bawat sandali ng, aking buhay
Pagmamahal mo, ang aking taglay
San man mapadpad ng hanging
Hindi magbabago aking pagtingin

Pangako natin, sa Maykapal
Na tayo lamang sa habang buhay
Maghintay..

Ipaglalaban ko ang ating pagibig
Maghintay ka lamang ako’y darating
Pagkat sa isang taong mahal mo
Ng buong pusoLahat ay gagawin
Makita kang muli, Makita kang muli,Makita kang muli..

Puso’y nagdurusa, nangungulilaIniisip ka pag nagiisa
Inaalala mga sandaliNang tayo ay magkapiling
Ikaw ang gabay sa akin tuwina
Ang aking ilaw sa gabing mapanglaw
Tanging ikaw..

Ipaglalaban ko ang ating pagibig
Maghintay ka lamang ako’y darating
Pagkat sa isang taong mahal mo
Ng buong puso
Lahat ay gagawin
Makita kang muli, Makita kang muli,Makita kang muli..

==========================================

Gustong gusto ko itong kanta na ito.. astig siya.. i like the message of the song.. as in.. excited na ako.. 8 days nalang.. magkikita kna kami ulit ni boyfriend.. grabe.. ang dami din naming napagdaanan.... malapit na kaming mag-four years.. mahal na mahal ko pa rin siya. kung mahal mo ang isang tao kahit pagkakamali, pinalilipas at pinapatawad. i have gone through the phase of thinking back & letting go of the past no matter how much it hurts.. kahit gaano kasakit.. hindi ko naman talaga iyon matanggap pero.. totoo iyon na nangyare, wala na akong magagawa para mabago iyon.

Tapos na iyon, ang importante hindi yung noon pero kung ano yung meron ngayon. Sa palagay ko we've become stronger than before, our relationship, that is. I know na super sensitive ako sa sinasabi ng ibang tao lalo na kapag tungkol sa kanya o sa relationship namin. Pero one thing is certain.. kami yung nasa relationship.. hindi sila.. it's not that I will never listen to what others have to say.. pero it's probably time to set aside all my doubts, my fears, my insecurities, my heartaches, my hidden pains, my jealousy and start trusting him once again. Look, it will never be easy pero if I want this relationship to last.. I have to give him back my trust.

About yung sa isa... ano ba ang pwede kong sabihin sa kanya? Parang gusto kong magsalita na wag na lang.. tatahimik nalang ako.. gulo ko kasing kausap eh.. aside from that, wla na naman kaming dapat pang pag-usapan. Baka kasi hindi ko mapigilan ang sarili ko at umatake ulit yung panlalait skills ko eh. Sana she's happy (plastik ko no?) pero I mean.. sana tahimik na siya.. hindi talaga makakalimutan yung nangyare pero.. we have to move on..

Para sa isa rin... pinatawad kita at binigyan pa ng pagkakataon.. wag mo sana akong biguin.. wag mo na rin sana ako saktan ng ganon. Hindi madali makalimot.. hindi rin madaling magpatawad.. at lalong hindi madaling magmahal.

Para sa sarili ko: Well... paano ba yan kat.. pauwi ka na... magkikita na kayo ulit... ano naman kaya ang unang una kong sasabihin? "hello" o kaya.. "na-miss kita"... o kaya.. "mahal na mahal kita"... ayaw ko rin siyang mawala sa akin.. sobra sobrang mahal ko siya na feeling ko sobrang mawawalan ako ng pakiramdam kapag nawala siya sa buhay ko. (baduy ko ngayon) pero... ganun eh.. mahal ko yung tao...

ano ba pinagkaiba ng inlove sa love? i don't really need to understand those terms to know what I'm really feeling... kapag kinikilig pa rin ako sa bf ko.. ibig sabihin ba nun na ang babaw lang ng nararamdaman ko para sa kanya or it is the fact na kahit matagal na kami, may sweetness pa rin na nag-ti-tingle sa senses mo? It is not simply a word.. pero its the feeling that you really feel.. ang hirap i-express through words pero kapag naramdaman mo na mismo.. ikaw at ikaw na rin ang makakapagsabi na "grabe, mahal ko na siya"

what is ahead of us? we don't know what the future holds for the both of us. mahal niya ako, mahal ko siya... mahal namin ang isa't isa. ang pinakaimportante ay kung ano ang meron sa amin ngayon, ang present.. mahalaga pa rin ang past, dahil kung wala iyon, wala kami ngayon sa present situation namin. marami siyang mga naiturong magaganda at pangit sa relationship namin... sa future naman... madami kaming pangarap pareho para sa aming dalawa.. sinisikap namin parehong makapagtapos ng pag-aaral at pupuntahan din niya ako dito sa Australia. ano kaya.. kami na kaya for good? Noon, we have promised forever.. as long as mahal ko siya.. forever iyon. hindi ko na kelangan pang sabihin iyon.. automatic na iyon sa kanya.

pupunuin ko ata itong post ko ngayon tungkol sa kanya ah... wala lang.. relieved kasi ako eh. kanina super daming doubts yung nararamdaman ko.. pero pagkatapos naming nagusap.. nakahinga rin ako.. nasabi ko sa kanya lahat... siyempre.. nasaktan ko siya.. pero in the end.. ganun pa rin.. we still love each other. masarap malaman na mahal na mahal niya ako, na-miss niya ako at ayaw niya akong mawala sa buhay niya... kasi ganun din ang nararamdaman ko para sa kanya. sobra

..."pagkat sa isang taong mahal mo ng buong puso.. lahat ay gagawin.. makita kang muli.."

posted by Ternski @ 12:30 a. m.