entries links
credits links tagboard
archives me & etc
links
sábado, julio 16, 2005

haay.. pagod na si terna... luray luray na ang goddess.... >_< WASTED!!!

kaninang umaga as usual.. LATE nanaman ang mag-ate sa tagalog class.. bwisit nga ako eh.. gusto ko na ngang magbago pero palagi nalang kaming late tuwing Sabado.. on time naman ako nagigising... bagal lang nila... (haha.. knina lang yun madalas naman ako ang mabagal kumilos.. ang lamig kaya!)

tapos aliw na aliw ako kaninang umaga.. sarap talagang pagtripan nila Leandre at Ricky grabe.. sumakit tyan ko sa kanilang dalawa.. mga pasaway na bata. sa tuwing tuturuan ko ang dalawang lalaking yan ewan ko ba kung mali lang ba akong mag-pronuonce o may problema sila sa mga tenga nila.
lalo tuloy akong na-engganyong pagtripan si Leandre... haha.. habang dinidictate ko sa kanila yung mga tagalog words pasaway sa ispeling ang bata.. sayang na mga bata ito oh.. mga ggwapo pa naman (oh well.. d ako papatol sa masbata sa akin --- kahit ubod sila ng tangkad sa akin at halos magkakasing-edad lang kami sa mukha -->umangal panget!)
first word palang na sinabi ko na i-susulat nila.. "SI" ang pasaway na bata.. sinulat letter "C" -_-
nung nag-spelling test ang mga lower levels.. cympre kaming mga year 12 na ang naghanap ng mga tagalog words.. ang spelling ni Leandre sa "lumundag" ---> "luMOONdag"
at dahil sa ganun na nga at hirap sila sa spelling ay naaliw na kaming pahirapan si leandre.. ang sumunod na word ay "tseke" ang una niyang sinulat "chicken" tapos "checke" at sa kahuli-hulihan... "chek-eh" (XD)
sumunod ay "Ita" at aakalain naman ng isang normal na tao eh sympre.. madali lang i-ispell yun db? ay hindi!... ang spelling nila na "ita" ay... ---> "eta" "eeta" o kaya ay "eetah" (sumakit na nga tyan namin kakatawa)

pagkatapos ng tagalog class eh kasabay ko sila Annie at Len at kumain kami saglit sa KFC at nagkwentuhan.. pwede na nga kaming magpatayo ng 'talk-show' eng-ganyong eng-ganyo kami sa mga topic namin haha
then after ng aming show ay dumaan kami ng filipino shop, nag-rent ng movie tapos diretcho na sa train station. nauna kaming dalawa ni annie bumaba ng train at tumambay muna ako sa bahay nila habang nagpapalipas-oras.
eh mga 2 pm pa lang at 5 pm pa ang tutor ko.. buti nalang itong si annie ay may vcds ng meteor garden 1 & 2 na hiniram sa kaklase.. sa sobrang bait naman ng pagkakataon eh.. CANTONESE yung language.. heto nanaman si goddess pinapahirapan ng madla..
pinanood ko ang MG ng nakatitig at walang naiintindihan (parang nung pinanood ko ang Full House in Korean Language at tawa ako ng tawa sa mga scenes na wari mo eh naiintindihan ng loka)... hayun.. pagkadating ng 4:30 lumarga na agad ako papunta sa bahay ng tutor ko (malapit lang kasi kanila annie)

akala ko nga eh na-late nanaman ako sa tutor ko.. ayoko ng ma-late.. daming tao.. wala akong ma-uupuan.. pagkadating ko eh buti hindi pa sila nag-uumpisa... haay.. at salamat din.. hindi ako late!!! hehe... ayun.. relieved ako at natapos na rin namin ang isang area of study sa physics at nagsimula na kami sa magnetism.
aliw na aliw ako sa topic na yun.. at bilib na bilib ako kay jack sa ginawa niyang device para lalo naming maiintindihan kung saan ang direction ng force kapag given ang direction ng magnetic field at current... (as if naman naiintindihan ninyo mga pinagsasabi ko diba?)

pagkatapos ng tutor.. sinundo ako ni papa.. 7 pm na nun.. may assembly pa kasi sila nila mama sa isang restaurant (same area kung nasaan ako) at ayun.. kumain saglit sa restaurant.. pinalabas (dahil hindi naman talaga ako imbitado) at nakatambay sa loob ng kotche ng ilang oras.. simula 7 hanggang mag-9! grabe.. nakatulog na
nga ako sa loob ng kotche... at heto.. nakauwi na rin.. nagchat sandali kay annie (parang hindi kami nagkita noh?) tapos nakatanggap ako ng text message.. tumawag si boyfriend at heto nagttype ako ng post. pagod na ako ngayon.. dna siguro ako makakapag-aral.. after neto.. tulog na ako! hehe.. sige.. adios!

posted by Ternski @ 11:54 p. m.