sábado, julio 23, 2005
Leandre Corner...
* siya ang batang pasaway
* pasaway sa spelling, tagalog at kakulitan.
* ang spelling niya sa 'ULO' ay 'UULLLOOWWW'
* ang spelling ng 'BERDE' ay 'BERDEH' (talagang may problema siya sa letter 'h' no?)
* ang pronounciation niya ng 'BERDE' ay 'Burdi' (how cute naman his accent -_-)
* ang wallpaper ng kanyang cellphone... ehmm.. mga babaeng kulang-kulang sa damit..
* ang translation ng kuya niya sa 'Firefighter' ay 'APOY FIGHTER'
* ang pronounciation niya ng 'TSEKE' ay 'CHEK-E'
* ang spelling niya sa 'PIRATA' ay 'PIRATAH'
* ang madalas niyang na-vivictim sa pag-vivideo sa cell niya ay AKO -_-
* ang tagalog daw ng black ay 'PUTI'
* ang spelling niya sa 'SI' ay letter 'C'
* ang spelling niya sa 'TSEKE' ay 'CHECK-EH'
* ang spelling niya sa 'ITA' ay 'ITAH' o kaya naman ay 'EETAH'
* ang spelling niya sa 'LUMUNDAG' ay 'LUMOONDAG'
* ang spelling niya sa 'LARUAN' ay 'LARUTHAN'
* ang favourite bed time story nila ng Kuya niya at si Bryan ay ang tungkol sa 'PAGLILIPAT ni TEDDY'
ako'y nagtataka... normal bang bata ito? isasama ko siya sa Pilipinas.. maaaliw akong pagtripan pa siya eh hahahahahahahahaha
miércoles, julio 20, 2005
bored ako ngayon (as always...)
wala akong subject period 1, then math (new lesson as usual) tapos recess then double physics.. wla naman kaming ginagawa sa physics kaya pumunta nalang kami sa library.. hayun.. kwentuhan.. nagtanong lang ako kay Alvin kung mahilig siya sa Anime' dahil sa style ng buhok nya.. ayun... dumaldal na lalo... -_- lalo pa nung napagusapan na namin yung YuYu Haskusho (na sobrang luma na...) natuwa nalang ako nung nag-bell na at makaka-uwi na rin ako sa wakas.
pagkauwi ko kanina nag-aral ako for psychology, konti sa physics tapos ngayon, i'm practicing UMAT questions.. next week na pala UMAT exam.. -_- pressure nanaman!
then ayun, nanood ako ng Full House (Episode 8) kakatwa talaga ang tandem ni Rain at Song Hye Kyo.. as always.. pretty talaga ng idol ko.
at heto.. nanonood naman ako ng Love Hina (Christmas Special Episode) grabe.. napanood ko na ito before eh.. ang sweet nung sa huli.. >_< kinilig nanaman ang loka..
anyway.. after neto matutulog na ako.. 11 pm na pala.. kapag hindi pa nag-online yung hinihintay ko, oh well tulog na ako..
sábado, julio 16, 2005
haay.. pagod na si terna... luray luray na ang goddess.... >_< WASTED!!!
kaninang umaga as usual.. LATE nanaman ang mag-ate sa tagalog class.. bwisit nga ako eh.. gusto ko na ngang magbago pero palagi nalang kaming late tuwing Sabado.. on time naman ako nagigising... bagal lang nila... (haha.. knina lang yun madalas naman ako ang mabagal kumilos.. ang lamig kaya!)
tapos aliw na aliw ako kaninang umaga.. sarap talagang pagtripan nila Leandre at Ricky grabe.. sumakit tyan ko sa kanilang dalawa.. mga pasaway na bata. sa tuwing tuturuan ko ang dalawang lalaking yan ewan ko ba kung mali lang ba akong mag-pronuonce o may problema sila sa mga tenga nila.
lalo tuloy akong na-engganyong pagtripan si Leandre... haha.. habang dinidictate ko sa kanila yung mga tagalog words pasaway sa ispeling ang bata.. sayang na mga bata ito oh.. mga ggwapo pa naman (oh well.. d ako papatol sa masbata sa akin --- kahit ubod sila ng tangkad sa akin at halos magkakasing-edad lang kami sa mukha -->umangal panget!)
first word palang na sinabi ko na i-susulat nila.. "SI" ang pasaway na bata.. sinulat letter "C" -_-
nung nag-spelling test ang mga lower levels.. cympre kaming mga year 12 na ang naghanap ng mga tagalog words.. ang spelling ni Leandre sa "lumundag" ---> "luMOONdag"
at dahil sa ganun na nga at hirap sila sa spelling ay naaliw na kaming pahirapan si leandre.. ang sumunod na word ay "tseke" ang una niyang sinulat "chicken" tapos "checke" at sa kahuli-hulihan... "chek-eh" (XD)
sumunod ay "Ita" at aakalain naman ng isang normal na tao eh sympre.. madali lang i-ispell yun db? ay hindi!... ang spelling nila na "ita" ay... ---> "eta" "eeta" o kaya ay "eetah" (sumakit na nga tyan namin kakatawa)
pagkatapos ng tagalog class eh kasabay ko sila Annie at Len at kumain kami saglit sa KFC at nagkwentuhan.. pwede na nga kaming magpatayo ng 'talk-show' eng-ganyong eng-ganyo kami sa mga topic namin haha
then after ng aming show ay dumaan kami ng filipino shop, nag-rent ng movie tapos diretcho na sa train station. nauna kaming dalawa ni annie bumaba ng train at tumambay muna ako sa bahay nila habang nagpapalipas-oras.
eh mga 2 pm pa lang at 5 pm pa ang tutor ko.. buti nalang itong si annie ay may vcds ng meteor garden 1 & 2 na hiniram sa kaklase.. sa sobrang bait naman ng pagkakataon eh.. CANTONESE yung language.. heto nanaman si goddess pinapahirapan ng madla..
pinanood ko ang MG ng nakatitig at walang naiintindihan (parang nung pinanood ko ang Full House in Korean Language at tawa ako ng tawa sa mga scenes na wari mo eh naiintindihan ng loka)... hayun.. pagkadating ng 4:30 lumarga na agad ako papunta sa bahay ng tutor ko (malapit lang kasi kanila annie)
akala ko nga eh na-late nanaman ako sa tutor ko.. ayoko ng ma-late.. daming tao.. wala akong ma-uupuan.. pagkadating ko eh buti hindi pa sila nag-uumpisa... haay.. at salamat din.. hindi ako late!!! hehe... ayun.. relieved ako at natapos na rin namin ang isang area of study sa physics at nagsimula na kami sa magnetism.
aliw na aliw ako sa topic na yun.. at bilib na bilib ako kay jack sa ginawa niyang device para lalo naming maiintindihan kung saan ang direction ng force kapag given ang direction ng magnetic field at current... (as if naman naiintindihan ninyo mga pinagsasabi ko diba?)
pagkatapos ng tutor.. sinundo ako ni papa.. 7 pm na nun.. may assembly pa kasi sila nila mama sa isang restaurant (same area kung nasaan ako) at ayun.. kumain saglit sa restaurant.. pinalabas (dahil hindi naman talaga ako imbitado) at nakatambay sa loob ng kotche ng ilang oras.. simula 7 hanggang mag-9! grabe.. nakatulog na
nga ako sa loob ng kotche... at heto.. nakauwi na rin.. nagchat sandali kay annie (parang hindi kami nagkita noh?) tapos nakatanggap ako ng text message.. tumawag si boyfriend at heto nagttype ako ng post. pagod na ako ngayon.. dna siguro ako makakapag-aral.. after neto.. tulog na ako! hehe.. sige.. adios!
viernes, julio 15, 2005
ano bang pwede kong i-post ngayon? well.. boring nga eh..kelan ba naging over to the maxx exciting ang Melbourne aber?anyway.. busy, busy, busy.. kelangan 2-3 hours study time every nightat grabe.. himala.. first time na gawa ko.. from 6 - 9.. tagal noh? nag-aral akosa physics (Himala nga).. did some note-taking tapos nag-rest ako for a whilepara mag-internet (at malamang hindi na ako makaka-concentrate sa iba)after that.. try kong pag-aralan ang ESL then sa Biology at Psychology.Bukas na ang math.. nitatamad na ako..
grabe.. bilis ng panahon.. patapos na itong week na ito.. 11 more weeksat official ng wala na akong pasok! whew! buti naman para hindi na sumabogutak ko kaka-aral gabi gabi... pano ba naman kasi... 95 ang aim kong score(nyemas na buhay noh?) eh kung gusto kong makapasok sa magandang kurso(d bale na ang skul) kailangan ko ng mataas na grade.. i'll need at least three40's, one 50 and bahala na sa last 2 subjects ko..
Example para sa mga monkey: 40 (ESL) + [40 (Biology) + 40 (Psychology) + 50 (Filipino) ---> aka 3 best subjects] + 10% (Physics) + 10% (Math) = 95 point something
ganyan kina-calculate ang Enter Score para sa particular course to enter uni.dna importante kung anong subject ang highest at lowest basta English then 3 best subjectsthen 10% ng 5th & 6th.. gnun lang yun..
haay.. wla na akong masabi... balik na ulit ako sa pag-aaral.. hehe.. =)
miércoles, julio 13, 2005
this is official.. starting today, I will start blogging here in my new blog. bkt? kasi, naaasar na ako sa xanga.. unang una.. I kept on editing my blog pero pasaway and no HTML tags allowed (korni) tapos eto pa.. hindi gumagana duon ang cbox ko.. i don't know why pero puro nalang scripts ang lumalabas.
nice layout noh? I got this from tongtongs. btw, the background music is chinese (not korean & not jap most especially for the idiots & ignorant people.. its not tagalog!). my new tagboard I got from somewhere haha.. hina ng memory ko, pero the link is there sa may tagboard. kaya ko pinalitan kasi i like the smileys hehe... ngapala, i tried the smilies a while ago.. its gonna take some time to load tapos madalas it will show up at the bottom of the page (not the frame). plus! check out the cursor! haha.. na-ignorante ako.. wala sa bundok.. try and click it! hehe.. naks! dumb-founded ang monkey!
so hanggang dito nalang.. post any comments pipol. allowed mag-post ng comments from everyone! don't forget to give me hugz!